echoserang froglitas


(this post will be entirely in filipino, with splashes of english and gay lingo. again, for my non-filipino and straight speaking readers, please either buy a balarila or get in touch with me for translation. chos!)

***********
kakatuwa rin pala maghanap ng trabaho. kahit medyo masakit sa ulo at minsan sa ego na rin dahil siyempre pag hindi ka nila type, wis ka nila hire. kahit anong confidence mo sa sarili, minsan talaga mapapa-tanong ka sa self mo nang "what is wrong with me?" (sabay tulo ng luha sa isang pisngi) kapag lagi ka na lang rejected.
masakit, pero ganun talaga. sabi nga ni mani pakyaw: payt lang ng payt! kahet masaket pa.
ang iniisip ko na lang (pambobola sa sarili) eh baka hindi talaga para sa akin ang trabahong yon, kahit bagay sa aking pagiging glamorosa.
may mga ganito pa nga akong litanya: paano kung nandun na ako at biglang magsara yong kumpanya. o kaya biglang lumindol ng malakas at gumuho ang building kung saan ako magtratrabaho. o magkasunog. o may stalker ako na doon din nagtatrabaho. may manyak na pumapatay ng mga tulad kong ms. yunibers. di ba? opo, may mga ganoong factor talaga para hindi ma-depress at baka malukresh pa akish gaya ni sisa.
sa paghahanap ko online, may mga nakakatuwang adverts akong nakikita, tulad nito. pero di po nila sinasadyang magpatawa. malakas lang ang aking sense of horror talaga. hahahahahahaha.

* naghahanap ng reporter para sa isang publikasyon. pero dapat daw marunong magturo (as in parang guro) ang aplikante. dapat rin daw may pasyon sa mga bata. hindi naman nag elaborate kung ang dyaryo ba nila eh isang pang edukasyon na pahayagan, o ang kanilang gustong merkado eh mga bata o ang mga pedopilya. hahaha. kakalowkah di ba? bakit di na lang sila maghanap ng guro na marunong magsulat? bakit reporter pa ang hinahanap, eh karamihan sa mga kilala kong reporter eh walang ganang magturo, walang amor sa mga bata at lalo na sa mga isip-bata! ching!


* isang malaking kumpanya naghahanap ng reporter, entry level lang daw ang posisyon. kung pwede raw eh kakatapos lang ng kolehiyo. fine. tiningnan ko ang mga duties and responsibilities at baka eto na ang hinahanap kong trabaho.
diyos ko ang haba-haba. parang poem ni henry wadsworth longfellow (di mo sya lala? mag google ka ineng ng tumalino ka naman at hindi puro shobis chika alam mo. che!) . as in di ko kinaya. dapat daw marunong ng kompyuter aplikasyon tulad ng adobe, power point, photoshop, etc. magaling gumawa ng badyet (ewan para saan. ano ako tongresman at magaling mag-badyet?), power point presentation, speech, marketing plan, branding (ano yon?), at kung anik anik pa.
siguro kahit may phd pa at samahan mo pa ng treynta anyos na karanasan sa pagiging reporter at editor sa herald tribune eh hindi pa rin kakayanin ang mga yon. eh diyos ko ano pa kaya ang bagong gradweyt lang? eh ang mga bata pa ngayon, super tamad. kulang sa pasensya. konting hirap lang, gusto ng mag-resign agad. bakit ko alam? eh bata pa ako eh.

* mayron naman simple nga ang mga hinahanap: marunong magsulat in inglis (korek na may malaking tsek!); pwedeng magtrabaho kahit sobrang lakas ng pressure sa working environment (tsek! na tsek! sanay ako dyan, dati akong alimango at laging niluluto sa pressure cooker.); magaling makisama sa iba't-ibang nasyonalidad (tsek pa rin! dati akong ms. yunibers, so alam ko makibagay sa iba't ibang lahi at uri ng hayop. yan ang unang-unang tinatanong ni madam stella marquez pag sasali ka sa binibining pilipinas beauty pageant. )
pero eto ang hindi ko kinaya: dapat may sariling kamera, kotse, blackberry. walang sweldo muna, pero may allowance pambili ng gasolina at lod. kalowkah!

* minsan naman mayroong advert na mali-mali ang inglis, kasehodang isa silang lihitimong internasyonal inglis publication na nakabase sa ibang bansa:

if you are of interest to us, please email with your cv and expect in salary.

pag ganyan na ang nabasa mo, mag-a-aplay ka pa ba? ako hindi, ewan ko sa yo. eh paano kung inedit nila ang istorya mo, inilagay ang by-line mo at nabasa ng gramar pulis. patay!

* at kung minamalas-malas ka, ganito ang bubulaga sa yo. ang aga-aga at lunes na lunes:
新 Monday

記者

  • 每星期找題目與編輯商討探訪可行性及採訪角度
  • 與攝影師商量拍攝角度
  • 寫稿、跟稿
  •  頭腦靈活、肯搏肯捱
  • 熟悉網上趨勢、愛留連網上討論群組者優先考慮
 有意者,請將個人資料、履歷、要求薪金,寄柴灣利眾街14-16號德昌大廈10樓人力資源部收或電郵
sige nga basahin mo yan. tapos aplayan. pag nakaya ng pawers mo yan, ikaw na..as in.

************
minsan nakaka-praning din. kasi nga sabi sa mga dyaryo at tibi eh bagsak ang ekonomiya ng amerika, eyuropa, dyapan at kung anu-ano pa. talagang pahirap ng pahirap maghanap ng trabaho. eh pag nagtagal pa akong walang trabaho at sahod, baka umabot ako sa ganito:

o kaya maging ganito ang dramah ko:

(in fairness, effect ang arrive nya ha. gusto kong gayahin. award!)

kakatakot isipin ano? pero ang dami na ngang may phd, mba at mga nagtapos sa harvard, eton, at madam kolerman pinising skul ang walang trabaho. 
pero sabi nga ng aking mahaderang manghuhula: be pasitib! yan ang mantra ko ngayon. kesehodang wala na akong makain..haha.

************

ang ating awitin sa araw na ito:






Comments

Popular posts from this blog

love's long wait

love isn't everything; but then it will never be

filipino women on the verge of.....greatness