walang pamagat, dahil walang kwenta


here's for you o (to first loves that never was):




habang ari mo pa ang kaharian ko

dumadaloy pa rin sa mga ugat ko 
ang iyong mga pangako
parang hangin sa katanghalian,
maingat, marahan, malumanay
ngunit sa katagala’y
nagiging marahas, mapusok, maalab
sa iyo ang aking katawang uhaw
ariin mong parang kaharian mo
habang ito’y iyung iyo (pa)
tayuan ng bantayog na matayog
mahaba, matulis na hugis
pero sa kalauna'y mapapagod din pala
sa indayog ng hangin
susuko, lilisan

mananatiling hungkag ang puso
ulila 
dukha sa ligaya
habang ika’y wala
walang ibang minimithi 
kundi ika'y muling makita 

oo
habang sa iyo pa ang kahariang ito
ako’y mananatiling
bilanggo

Comments

Popular posts from this blog

philippine cinema's best actresses

scorching bikini boys of summer

new gorgeous boy in town