ang taghoy ng pangungulila sa gabing pinagkaitan maging ng mga bituin
habang ari mo pa ang kaharian ko dumadaloy pa rin sa mga ugat at buto ko ang lagablab ng iyong mga halik parang hangin sa katanghalian, mainit, maingat, marahan, malumanay ngunit sa katagala’y nagiging marahas, mapusok, mapaghanap winawasiwas maging matitigas na ugat na sa daho'y nakaugnay, dinuduyan, hinahampas, hindi sumusuko hanggang mahapo. sa iyo ang aking katawang uhaw ariin mong parang kaharian mo habang ito’y sa yo itayo mo ang bantayog na matayog, mahaba, matikas hindi basta basta sumusuko sa hampas ng hangin. sumasayaw sa daluyong ng panahon iyong iyo, buong buo pero katulad ng hanging mapaglaro, hindi mapakali sa kalauna’y lilisan din upang sa ibang lupain naman magbakasakali. mananatiling hungkag ang puso, mananangis, mananaghoy lalo na sa katahimkikan ng takipsilim at hating gabi habang ika’y sa ibayong dagat naglalakbay walang ibang minimithi, walang ibang hinahangad kundi muling malasap ...