Posts

Showing posts with the label v-day.

habang ari mo pa ang kaharian ko

Image
here's for you o (to first loves that never were): dumadaloy pa rin sa mga ugat ko  ang iyong mga pangako parang hangin sa katanghalian, maingat, marahan, malumanay ngunit sa katagala’y nagiging marahas, mapusok, maalab sa iyo ang aking katawang uhaw ariin mong parang kaharian mo habang ito’y iyung iyo (pa) tayuan ng bantayog na matayog mahaba, matulis na hugis pero sa kalauna'y mapapagod din pala sa indayog ng hangin susuko, lilisan mananatiling hungkag ang puso ulila  dukha sa ligaya habang ika’y wala walang ibang minimithi  kundi ika'y muling makita  oo habang sa iyo pa ang kahariang ito ako’y mananatiling iyong bilanggo