10:01
“just as real events are forgotten, some that never were can be in our memories as if they happened.” ― g abriel garcía márquez , m emories of my melancholy whores . ganoon pala talaga ang ala-ala. parang magnanakaw lamang. bigla na lang susulpot sa yong harapan at nanakawin ang iyong panahon ng pansamantala. ibabalik ka sa isang pahina ng iyong buhay na matagal mo ng ibinaon sa limot. na matagal mo ng pinunit, sinunog at pinalipad sa alapaap ang mga abo nito. upang wala ng bakas. wala ng balikan. (sabay tugtog ng ma-alala mo kaya....) dear ate mahatma gandah.... nag-lilinis ako ng aking silid sa aming lumang bahay ng muling manumbalik ang isang nakalipas na sa pag-aakala ko ay matagal ko ng nakalimutan. matagal-tagal na ring hindi ako umuuwi. kung hindi pa namatay ang tatay ay hindi ko maiisipang lumipad mula sa europa kung saan ako namalagi sa loob ng mahabang panahon patungong pilipinas. kahit medyo takot na akong sumakay ng eroplano (hindi ko alam kung ba